Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U6 Ring of Luck +2

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit mas mahirap ang mga side quest at side boss sa Final Fantasy Series? Isipin mo, sa FFVII mas mahirap pang matalo si "WEAPON" na lumilipad at si "WEAPON" na lumalangoy kesa kay Sephiroth. Matatapos mo yung mismong game ng hindi mo nakukuha si Yuffie, Vincent at ang super IMBA na Knights of the round at Omnislash. Sa FFVIII matatalo mo si Ultimecia ng hindi nakukuha ang Guardian Force na si Bahamut, Doomtrain at si Eden. Tumambay ka lang sa "Island closest to hell" at magpa max level kayang kaya mo nang tapusin yung laro. sa FFIX mas mahirap pang talunin si Ozma kesa kay trance Kuja. Hindi ko nga malalaman na pede palang lumipad ang chocobo at kumpletuhin ang chocograph kung hindi ako gumamit ng tulong ng walkthrough sa magazine na EGM (hindi pa uso ang Internet noon). Kung tutuusin madali lang tapusin ang Final Fantasy, lahat ng FF na nalaro ko tinapos ko muna ng hindi kumpleto at nilaro ko nalang ulit para kumpletuhin ang mga side quest. Astig kasi ang storyline ng FF, pero narealize ko... hindi pala sapat na tapusin mo lang yung mismong laro. dapit makumpleto mo, hindi man related sa storyline or related man, importante lahat yun. kaya naisip kong mag flashback muna. ^_^


Pano nga ba kami nagkakilala ni Jennica Nicole Roxas?


*Start of flashback*


Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko nung mga oras na yun. 4am palang gising na ko. bakit? 1st day of class. 1st day ko sa college. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Pag patay ko sa sigarilyong hinihit-hit ko napansin kong naka lima na pala ko. wtf. kabado ako masyado. bagong tao. bagong teacher. bagong subjects. bagong pakikisamahan. bagong mundo. kaya nagsindi ulit ako ng sigarlyo at dumerecho sa banyo.


Matinding muni muni ang ginawa ko habang nasa byahe para makalimutan ang matinding kaba. Hanggang sa makarating na ang FX na sinasakyan ko sa lawton. Pag baba ko ay bumili kagad ako ng yosi. Dala ang maliit na pouch bag sa kaliwang kamay ko, at yosi sa kanan, nag lakad ako sa underpass kasabay ng mga estudyanteng papasok din at mga estudyanteng tatambay sa SM manila. parang ang bagal ng oras, parang ang bagal ng lakad ko, parang ang layo ng kabilang hagdan ng underpass. parang may slowmo pag nakakatapat ko ang mga estudyanteng papunta sa pinanggalingan ko..bigla ko nalang narinig ang kantang gangsta's paradise sa utak ko. "as I walk to the valley of the shadow of death..." dun bumalik ang normal na bilis ng paglakad ko. napatingin ako sa oras...


"shit! malalate na ko..."


mabilis kong pinakita ang reg's form ko sa guard at hinanap kagad ang room ng 1st class ko. room 208, humanities. sakto, sa 2nd floor lang ang room ko kaya madali ko itong nakita.


"pag pasok ko sa room ay malamya at nakakairitang boses ang sumalubong saken..."


"Oh! Let's welcome our newcomer..."


nagtawanan ang buong klase... takte, 1st day of class napahiya kagad ako. pero hindi pa pala dun matatapos ang kalbaryo ko.


"Mr. newcomer, would you mind introduce yourself to the class?"


AmpfF! nakakainis tong prof na to ah. gusto talaga ata ako ipahiya. pinagpapawisan na ko ng malamig. pinilit kong buhatin ang sarili ko patayo at nagumpisang magpakilala...

"No Mr. newcomer, introduce yourself HERE in front of your classmates."


waaAaaaa! shit talaga... wala na kong nagawa, lumakad ako sa isle at pumunta sa harap at nagpakilala.


"Hi classmates, I'm Francisco Kalibogan, Sixtee-"


nagtawanan ang buong klase ng banggitin ko ang aking apelyido. takte sabi na eh...


"Wow! you have a very unique and interesting surname. you can now take your seat Mr. Horny."


at nagtawanan ulit ang buong klase. pakiiiinnnnshit! naasar na ko ah, i-Pk ko kaya tong prof na to. asar.


"You can sit beside Ms. Roxas for the meantime, I'll make your seat plan tommorow."


dismayadong umupo ako at nanahimik nalang.


"badtrip? badtrip ka no? wag ka na mabadtrip, lahat nga kami na okray nyan kanina eh. bading kasi."


WTF! sa sobrang badtrip ko hindi ko napansin na yung Ms. Roxas pala na katabi ko ay anghel. Kawaiii! tipo ng babae ko pa, Chi-ni-ta... nawala ang pag kabadtrip ko. pumasok kagad ang mga "the moves" sa utak ko at sinubukan kung eepekto sa kanya.


"hindi... hindi ako badtrip, sa totoo nga masaya ako eh. kasi katabi kita."


*batok ng malakas*


"ahahah! dumidiga ka pa ah! anong name mo? francis?"


grabe! ibang klase tong babae na to. sa ganda at amo ng mukha niya nagulat ako sa pag batok niya saken. ngayon lang kami nagkakilala kung makabatok parang nanay ko. pero bakit ganon? hindi ako naiinis? natuwa pa nga ako.


"amf! sakit naman ng batok mo! oo francis name ko, Kiko nalang... ikaw anong pangalan mo?"


"amf? don't tell me geek and nerd ka din? ung salitang "amf" sa mga nerd ko naririnig yan eh... yung mga adik sa computer!"


"awts! hindi porket adik kami sa computers eh geek na kami. tignan mo nga ako? yan ba ang mukha ng geek? eh ang cute cute ko."


"uhmmmm... pede pede. CUTE na GEEK! hahaha!"


"Lul!"


"ako nga pala si Jennica Nicole Roxas"


"ayos sa pangalan, parang pinilit lang.... ^_^"


"maganda naman ah.... kesa naman sa apelyido mo. haha! Jen nalang tawag mo saken, patingin nga ng reg's form mo"


ibang klase tong babae na to. ang gaslaw, ang likot, ang lakas ng boses, parang hindi babae. pero... nanlalambot ako sa singkit nyang mata. sa maamo niyang mukha, grabe. ang cute.


"ah d2 lang pala tayo classmates. iregular kasi ako. SA ako eh. sabay tayo lunch maya. kita tayo sa canteen"


weeeeeeeeeeee! ayos to! sabay daw kami lunch mamaya. sarap naman. kahit ndi na ko maglunch. busog na busog mata ko neto. ^_^ kaya lang bigla na naman umepal si bading...


"ehem! ehem! Ms. Roxas and Mr.Horny, would you mind sharing that conversation of yours to the whole class?"


"would you mind your face..."


*end of flashback*


Para akong dinala sa isang malawak na lugar... malawak na malawak na lugar... walang bagay, walang pader, walang bahay, walang halaman, walang puno at sasakyan... wala lahat.... maliban kay Jen. sa malawak na lugar na yun ay kaming dalawa lang ang nandon. nakatitig siya saken... at ganon din ako... nagaantay siya ng gagawin ko, ako naman ay nagiisip kung ano ang gagawin. nakakabingi ang katahimikan, nagpapawis na ang mga kamay ko, ano bang gagawin ko? seryoso ba siya? natatakot ako na baka biglang ituro nya ang hidden camera at sabihing "nasa wow mali ka, ayun ang camera namin, bumati ka". pero hindi, seryoso siya. nakikita ko sa mga mata niya ang reflection ng mukha ko kaya alam kong alam niya na kinakabahan ako at alam ko din na nakikita niya sa mata ko ang reflection ng sarili niya na talagang seryoso siya. sinasabi ng puso at pagkalalaki na halikan ko na siya. eto na yung matagal ko nang pinapangarap. pero sinasabi ng utak ko na wag kong gawin.

bakit?

kung ano man ang gawin ko paniguradong may malaking epekto sa pagkakaibigan namin. natatakot din ako. pero eto na eh! palay na ang lumapit sa manok. isda na ang nagpapa bingwit. pera na ang lumalapit sa pitaka. ang matagal kong pinapangrap na ang lumapit saken. pumikit ako ng dalawang segundo. pagdilat ko sabay bulong sa sarili...


"bahala na kung magcrit..."



at sa unang pagkakataon sa limang taon ng pagsasama namin bilang magkaibigan, nagtagpo ang aming mga labi.

--

(Ako nga pala si Kiko, nevermind nalang kung ano ang surname ko. hehe! again, isa 'to sa mga update na talagang tumatak sa isip ng mga readers, at syempre saken na din. dahil dito unang nagtagpo ang mga labi namen ni Jen, ang bestfriend ko.)

No comments:

Post a Comment