Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U3 Back to reality

"The next generation will always surpass the previous one. It's one of the never ending cycles in life" - Hatake Kakashi


Nakakagulat ang mga kabataan ngayon. sa murang edad ay marami nang alam at kayang gawin lalo na pagdating sa computer. May pamangkin akong 5 yrs. old na marunong na mag internet at mag search ng videos sa youtube. Marunong na siya magchat at marunong naren mag youjizz. joke lang. Minsan nga eh siya pa ang nagpipilot ng character ko pag lalabas ako ng bahay. May pamangkin din akong kasama kong magmarathon ng Prison break at kasama ko din minsan manood ng pelikulang komplikado, hindi man literal na naiintindhan nila pero marami silang natututunan dito. Mabuti at masama. kaya minsan "kuyang kuya" ang dating ko sa pag papayo at pagsasala sa mga impormasyon na dapat lang nilang makuha.


Sa kabilang banda ay nakakalungkot din paminsan minsan, dahil hindi nila na experience maglaro ng "TUMBANG PRESO", ng "BANGSAK", ng "PATENTERO", ng "TEKS", ng "TOMSAWYER" at ng "GOODMORNING TEACHER". Hindi nila naranasan ang basain ang kanilang laruan sa kalsada ng kapitbahay na masungit dahil maingay sila. Dahil ang mga bata ngayon sa karamihan ay nakatutok at naka subsob na sa PC oh di kaya naman ay sa PSP sa loob ng kanilang bahay. mga RICH kid... ^_^


"thank you? bakit ako magtthank you sayo?" iritang tanong ko kay xcuteWIAx


"ay noob nga to, hindi mo ba napansin? hindi nga nakapag skill kalaban mo."


oo nga noh? ngaun ko lang din naisip... pero bakit naman niya gagawin un? para ipamukha saken na weak talaga ako at hindi ko kayang talunin yung BL na yun? bago pa man ako makapag salita ay...


"sabihin nalang naten na peace offering ko sayo yun... happy leveling!" at biglang nawala si xcuteWIAx.


para namang natapakan pride ko nun. pero parang nangibabaw ang saya. potential IGT siya. Tropahin ko kaya yun? kung tutuusin ay isa palang ang tropa ko dito. POSER pa amfufu. hahaha! si ChiChi. Paminsan minsan ay nangangarap din ako na magkaron ng isang guild na ang founders ay talagang mga tropa ko. Gusto ko magkaron ng isang pamilyang pede kong pagkatiwalaan sa mundo ng mga taong tuso. Kaya nung naging tropa ko si ChiChi talagang pinahalagahan ko. Pano kami naging tropa? simple lang...

*flashback*

"sis!"


"...."


"sis!"


sino ba tong wiz na to? kilala ko ba to? magpapanggap nga din ako.


"bakit sis?"


"sis penge alz pang skill lang"


takte sabi na eh. hahaha! syadong scripted. naramdaman ko na after nun hihingi sya alz eh... kaya sabi ko,


"sa quest sis dami alz"


"damot! chixilog!"


hahahaha! amfufu ako pa nabaligtad. okay to mukhang kwela to, sa bagay wala pa naman akong nagiging kaibgan dito. Tsaka maingat naman ako, kahit scammin ako neto wala naman siya maiiscam sken.


"tara! tulungan nalang kita palevel... sabay tayo"


"weee! bait mo sis! muah! teach me ah... tapos penge naren alz. ^_^"


"wag ka na magpanggap. lalake ako, at alam kong lalake ka din. hahaha! tara na..."


"bwahahahaha! masyado ba halata? pa add buddy Chong, sabay tayo palakas ah..."


*end of flashback*


kung meron man akong maipagmamalaki sa paglalaro ng cabal ay yun ay ang never pa ako na scam. Hindi ko alam kung talent na maitatawag to pero alam ko sa sarili ko at nararamdam ko kung sino ang dapat pag katiwalaan at sa hindi dapat. although nagpanggap si ChiChi nung umpisa naramdaman kong isa siya sa mga tatagal kong kaibigan dito sa CABAL.


pabili nga ng habababachiznax? ano yun iho? habababachiznax binge! ah habababachiznax, ay ubos na ho iho eh (galing sa album ng parokya ni edgar na ~khangkhungkhernitz) - yan ang message alert tone ko...


"kambal! tama na yang Cabal! labas naman tayo"


siya ang aking bestfrend IRL na si Jen, kung ikukumpura ko sa pelikula ang aming samahan sakto ito sa pelikulang "close to you" ni bea at john lloyd. weeee! sobrang cheezy! hahahaha! yun nga lang, may boyfriend sya. T_T pero okay lang, wala namang expectations. and NO MALICE naman. ^_^


"sige teka lang, 5pm out mo dba? sunduin kita sa letran. txt2 nalang"


"aye...."


"aye...."


*exit game*


hindi ko na nasagot ang pm ni xcuteWIAx dahil nakapg exit game na ako at medyo nagmamadali naren. Panandalian ko munang iniwan ang mundo ng CABAL at bumisita sa totoong mundo, may bagong episode kaya sa totoong mundo? baka matagalan ako mag patch. Teka download nalang ako ng manual patch.

--

(dito ko naikwento ang history namin ni ChiChi na magiging malaking parte ng buhay ko at sa mga susunod na updates, at dito rin ako nagiwan ng cliffhanger na maipapakilala magkikita kami ng bestfriend kong si Jen. Bbye Cabal muna, back to reality.)

No comments:

Post a Comment