Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U4 Underpass


Iba-iba ang tao. May taong mas trip ang Balot kesa sa Penoy. May mga taong mas trip ang Piatos kesa sa Vcut. May mga taong mas trip ang Scrambled Egg kesa sa Sunny-side-up. May mga taong mas trip ang Lugaw na pantagal amats kesa sa mainit na Mami. May mga taong mas trip ang Chowtime kesa sa Eatbulaga. May mga taong mas trip si Jaya kesa kay Taylor Swift. May mga taong mas trip ang Kaning Lamig kesa sa Bagong Saing. May mga taong mas trip ang Isetan kesa sa Trinoma. May mga taong mas trip ang Chocnut kesa sa Kitkat. May mga taong mas trip ang Nescafe 3in1 kesa sa Java chip ng Starbucks. May mga taong mas trip ang Capella kesa sa Procyon. May mga taong mas trip ang HOPE kesa sa MARLBORO. May mga taong mas trip ang Sta. Mesa kesa sa Cubao. May mga taong mas trip si OSANG kesa kay MARIA OZAWA...


Ako? mas trip ko si MARIA OZAWA...


Pag tapos kong mag LO sa cabal ay agad agad akong naligo at nagayos para sa "date" namen ng bestfriend ko. 5pm ang out nya, baka malate ako. kutos ako dun. Galing ng taguig ay babyahe ako papuntang intramuros para sunduin sya sa letran dahil dun siya nag ttrabho. Kung iddescribe ko si Jen, or Jennica Nicole Roxas, hindi sila nagkakalayo ng ugali ng babaeng bida sa MY SASSY GIRL. Malakas mang batok, Assertive, demanding, pasaway, independent, malakas ang boses, kalog, at higit sa lahat... ang weakness ko. CHI-NI-TA... Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pag sumisingkit na ang mata ni Jen nanghihina na ko. haysss, para akong computer na naghahang sa harap niya. kahit CTRL+ALT+DEL ay walang magawa para i "end task" ang pag titig ko sa kanya.


"4pm na pala, kailngan ko nang magmadali..."


habang nag aabang ako ng jeep ay nagsindi muna ako ng yosi. nakakamiss din pala. parang ngayon lang ata ulit ako nakalabas ng bahay ah... kung pede lang mag "tab" at magtele papuntang letran ginawa ko na. may prem pa naman ako eh. kaso ndi. ndi pede.. mga limang minuto bago ako nakasakay.


isang Jeep at dalawang FX ang kailangan kong sakyan papunta ng letran. yun kasi ang nakasanayan kong ruta. at gusto ko naren makapag muni muni sa mga lugar na dinadaan ko dati nung nagaaral pa ko. wala pa namang pinagbago. ganon pa din.


5:15 na ng makababa ako sa lawton, bumili muna ako ng yosi at nag lakad sa underpass. may mga nakakasabay pa kong estudyante... hindi ko maiwasang isipin. Itong mga taong nakakasabay ko sa underpass may posibilidad kayang sila din ang nakaka salubong ko sa warp center ng CABAL? sila din kaya ang mga nakakasabay kong mag quest at mag grind? Sila din kaya ang napakaraming character na nakavend sa TRADE channel? may posibilidad. pero maliit. sa pagiisip isip ay nakarating na ko ng letran. Nakita ko si Jen na nakatambay kay Nanay Bising at nakasimangot.


"takte... late ako ng 20mins. lagot" pabulong kong sinabi sa sarili ko...


"ang tagal mo naman kambal! gutom na ko oh...." kambal ang tawagan namin, dahil sa maraming bagay na pagkakapareho namen. mga bagay na pareho namin gusto.


"sorry nahirapan ako sumakay eh. pano? tara na? san ba tayo?"


"teka lang yosi muna tayo..."


umupo kami sa gilid ng 711 at nagyosi...


"bili mo naman ako ng snowbear! to talaga oh! mag paka gentleman ka naman!"


"wait po boss... ilan po boss?"


"ulul! wag mo nga akong iboss boss dyan, batukan kita eh.."


"pagkalat mo..."


"ahahaha! nakakainis yang expression mo na "pagkalat mo", nakakairita! haha"


matapos maubos ang aming yosi...


"tara na..."


"taxi na tayo ah..." pag may pera ako, trip ko talaga lagi mag taxi. tinatamad ako mag commute eh. sa MOA daw kami.


"weee! kambal mukhang may pera ka ngaun ah... treat mo ba ko?"


"ngek. kaw tong may trabaho eh. KKB muna... ^_^"


"damot oh..."


hanggang sa makarating kami ng MOA, kadalasan pag gs2 namin mag tipid dalawa, sa PAOTSIN lang kami kumakain. tapos yosi ulit. tamang kwentuhan. tamang tawanan. hindi ko namalayan ang oras sa sarap ng kwentuhan namin... 9pm na pala.


"naku gabi na... magcacabal pa ko. kailangan ko ng umuwi." - pano ko kaya to sasabihin? pano ko puputulin ang usapan namin? hindi naman sa 100% na gusto ko umuwi dahil sa CABAL, may pag ka delikado din kasi sa lugar namin. talamak ang holdapan kahit pa taga dun ka. talagang tataluhin ka.


eto na... bahala na...


"kambal... late na, uwi na tayo" medyo pabulong na sinabi ko kay Jen, baka kasi magalit...


"to naman! minsan na nga lang tayo magkaron ng quality time together, wala to."


"eh alam mo naman sa lugar namin dba? mga loko loko tao dun..."


"ahh ganun ba..." malungkot na sagot ni jen sa pagpupumilit kong pag uwi.


"pasensya na ah... bawi ako next time. promise. tara na..."




bago pa man ako makatayo... nadurog ang puso ko ng makita ko si jen na unti unting pumatak ang luha.





"break na kami ni Joey...."




....at hindi ko na napigilan ang pag iyak niya.

--

(dito sa update na 'to unang lumabas ang pag ka seryoso ng storya. Dito lumabas ang unang madramang set up ng relasyon namin ni Jen. Isang kaibigan na handang isakripsyo ang mga bagay bagay pag kailangan ng tulong ng bawat isa. Madrama pero kahit papano may kurot talaga sa puso. Alam ko kahit papano makakarelate kayo dito.)

No comments:

Post a Comment