Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U1 Cheater na ForceBlader...


September 1. 2009,
12:30

Mahigit sa isang taon na pala akong tambay, bum, palamunin at hindi pa nakapagbayad ng buwis kahit minsan. Hindi ko alam kung sadyang tamad lang talaga ako oh hindi pa binibigay ng tadhana ang trabahong para saken. Kung tatanungin ako kung anong pinagkakaabalahan ko oh pinagkaabalahan ko matapos ko bunuin ang anim na taon sa elementary, apat na taon sa highschool at apat na taon din sa kolehiyo, yun eh ang paglalaro ng CABAL. Mabait na bata. Napaka productive ko dba? hehe! sabi ko noon pag graduate ko magpapahinga lang ako ng dalawang buwan, tapos naging tatlo, tapos naging lima, tapos naging isang taon, hanggang sa nakalimutan ko na halos lahat ng pinagaralan ko. oh sabihan nalang naten na kinalawang na ko. hahaha! siguro nga... tamad lang talaga ako at mas pinili kong mabuhay sa mundo ng cabal, (bakit? secret!) at paminsan minsan nalang ako dumalaw sa totoong mundo.

umpisahan naten ang buhay cabal ko noong august 2008....

Ako nga pala si Ayekaru sa cabal, isang babaeng WA.. babae ang character ko hindi dahil sa babae ako, hindi dahil bakla ako oh mang chichixi lang ako. babae ang napili kong char kasi cute at astig. Babae na ang laki laki ng bitbit na espada. wapakk! ginaya ko yung itsura ni claire ng anime na Claymore. Isa sa mga favorite kong anime na bitin. asar.

"ate ang ganda mo naman..."


"di tayo talo PRE!"


"ate ang cute naman ng name mo..."


"yung sayo din CHONG!"


"wow! astig! lakas mo naman sis... may frendster ka?"


"meron po check mo nalang... teka babae ka ba?"


"ndi po, lalake po..."


"ah... lalake din kasi ako"


"waaaah! chixilog!"


"wala akong sinabing babae ako... pakyu!"

yan ang mga ilang bagay na na experience ng babae kong char... kung loko-loko lang siguro ako gumawa na ko ng poser account sa FS at nang hingi ng alz, pero hindi ko ginawa. Pero minsan nanttrip din ako, sa mga tropa ko in-game. ^_^


Level 20+, Sword Skill: Master, Magic Skill: Novice


"ate try po?"

ayus to... dafeng saken tong ForceBlader na to, master na sword skill ko! hahaha! nilagay ko na ang "bow" sa shortcut keys ko para pag dafeng nya mag bbow ako sabay bigkas ng "thank you po"

"sure!" sabi ko sa FB na babae...


"invite po"

duel starts...

5

4

3

2

1

START!


Mana Freeze!


WTF? ano to? hindi ako makapag skill!


Assassinate!


pak! pak! pak!


dafeng....


(bow) "thank you po ate..."


Putangina!!!!! grabe to! napahiya ako ah....


"daya mo...."


"?" (umalis na yung FB)


nanggigil ako, gusto ko bumawi. Pag balik ko sa spot na pinaglabanan namin sa DS channel 3, wala na siya.... hindi ko matanggap ang pagkatalo ko kaya nag shout ako.


"amf na FB yan! sa pandadaya ka lang ba nananalo? cheater amf!"


"......"


"ano asan ka na? lika d2 sa DS! pvp ulit tayo! takot ka ba?"


"......"


"wag kayo makikipag pvp kay xcuteWIAx. cheater na FB!"


"noob! search mo sa google. mana freeze... nakaka tawa ka, WEAK Ayekaru!"


pfftt! asar na ko! amf talaga to!


"pvp debuffs? ang weak mo! asa ka sa debuffs mo!"


"FB debuffs? malamang... FB ako eh... skill namen to. antayin mo ko dyan, hindi ako magdedebuff tignan naten."

biglang sumulpot ang FB na sa xcuteWIAx sa harapan ko ....


"oh tara pvp na! asa ka sa debuffs mo! weak!"

"guys.... I'm inviting all of you to watch our duel here in DS channel 3... place your bets now! hahaha!"

amf to! nagtawag pa, mapapahiya ata ako ng di oras. Wala pa kong 1month naglalaro ng cabal madudungisan kagad char ko. amf to... asar talaga!

"sige lang magtawag ka pa! weak! debuffer!"

unti unti napuno ng tao ang pvp spot sa DS channel 3, kahit umagang umaga nag sulputan ang tao dito at naghanda na ata ng pang asar saken. bigla akong kinabahan...

"game! invite!"

"ikaw na mag invite weak na asa sa debuffs!"

"hahaha! kk"

*xcuteWIAx invites you to a duel*

*accepts*

5

4

3

2

1

Start!

pinindot ko kagad ang combo.... at siya naman ay nag....

Assassinate! pak! pak! pak!



"kitang kita.... 1hit! kawawa naman to... palakas ka pa kuah..."


"...." *deds*


nakakainis! ang lakas nya! ano bang level neto? asar naman! napahiya ako.... T_T

biglang may nag pm sken...

"kua, level 18 lang yan... dual trans. sikat yan dito. siya pinaka mababa level na dual trans na.. high level pinapa dafa nyan..."

"wtf!?"


mag-antay kang FB ka... makakabawi din ako sayo...


--

(Dalawang fic ang nabasa ko bago ko nagawa 'to, oh bago ako na inspire gumawa din ng ganito. Una ay 'yung CABAL friends at ang alamat na Not another mushy love story na galing sa Ragna Boards. Matagal na akong nagsusulat pero karamihan ng mga naisusulat ko ay hindi ko pinapublish sa net. At nung mabasa ko nga yung dalawang fanfic na 'yun sa creative section ng Cabal forum, nagkaron ako ng lakas ng loob na gumawa din ng sarili kong story, at etong two worlds na nga ang naging produkto ng pagbabasa ko ng fic.)

No comments:

Post a Comment