Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U2 The good side

Hindi ko alam kung bakit usong uso dati ang low level pero mataas ang skill rank. dahil siguro sa masarap ang pakiramdam pag nakatalo ka ng mas mataas ang level sayo. Isipin mo nalang kunwari 1st yr. college ka at nakipagbanatan ka sa mga 4th yr college, panigurado makukuha mo ang respeto ng karamihan. Ganun siguro ang mentalidad ng mga tao sa CABAL noon. Pero ako, hindi ko naisip gawin ang mag grind ng matagal at hindi magpalevel para lang makapagtrash talk na nakakatalo ako ng high level kahit lowbie lang ako... bakit? dadating ka din naman kasi sa puntong kailangan mo talagang mag palevel, ang mundo ng CABAL ay hindi lang sa pvp umiikot.

"nakakainis! d maalis sa isip ko yung FB na yun. Level 18? dual trans? WTF! ano yun puro suntok lang ginawa? nakakatamad yun." (iritang irita paren ako grrrr)


"ganon na nga siguro chong! pero tignan mo naman, owning siya dba... dafeng mga high level sa kanya"


"kahit na... hindi ka yayaman sa pvp" (bitter lang siguro ako)


"sa bagay... alis muna ko chong, palevel/grind/quest lang ako, pm pm nalang"


siya ang 1st IGT ko... In Game Tropa. (imbento ko... hahahaha!) nagkakilala kami nyan dahil sa "kuah palimos po" days... namalimos ba naman saken eh mas mahirap pa ata ako sa kanya. sabi ko nalang sa kanya "samahan nalang kita, yun lang ang maitutulong ko sayo". at simula nun naging tropa na kami sa CABAL. siya nga pala si ChiChi, isang WIZ na POSER! hahaha! pero so far wala pa kong nabalitaan na nabiktima niya.


dahil nga sa sira ang pangalan ko sa channel 3, sa channel 31 nalang ako nag palevel at grind. Sa kalagitnaan ng masaya kong pag papalevel at grind ay may nag pm saken. ang bangungot ko... paksyet.

"wui weak! grind ka?"


"Lul magantay ka lang....." (yabang amfppp!!!!)


"kung gs2 mo ng ka pvp and2 lang ako sa tabitabi"


"pagkalat mo..."


"okay...."


loko to! magshshout na naman ata. liliit mundo ko sa Cabal neto! takte..


"sige pm nalang kita, mamaw ka kasi eh... lakas mo sobra!" (grrrr! baka makatulong ang pagiging sarcastic)


"okay thanks sa papuri... ^_^"


(grrrr... nangaasar talaga ata to)


makalipas ang limang minuto, enjoy na enjoy ako sa paggrind. walang hassle, saya! nang biglang...


"wui weak! kaw yung sa channel 3 na na-1hit dba?"


"uu ako nga, ikaw ba yung hahalik sa snow ngaun?" (haysss... here we go again...)


"asa!" (sabay saw saw sa mga mobs na pinapatay ko...)


"bastos ka ha?" (dafeng saken to...)


Rolling Crush!


awts miss! (vovo ko bat hindi ako nagcombo?)


Lightning Slash!


dafeng...


"malamig ba? nakakamanhid ba ng mukha dumafa sa snow? haha!"


"chamba! antayin mo ko d2..."


agad agad akong bumalik sa spot kung saan kami naglalaban nung BL na maangas, naka tatlong dafa ata ko... ang lakas! grabe dafain ko naman sobra... it's not my day. T_T


"wui! kanina ka pa pabalik balik d2 sa town ah, need help?"


"no need... kaya ko na to"


hindi ko napansin na sumabay pala saken si xcuteWIAx papunta kung nasan yung maangas na BL,

"hindi ka paren ba nagsasawa? oh idol xcuteWIAx anong ginagawa mo d2?"


"......" (/sit)


"anong ginagawa mo d2? eepal ka? magsama kayo!"


halos pulang pula na ang name ng BL dahil sa kaka PK saken, pero d ako makuntento, gusto ko bumawi! lagi nalang ako talo! tapos and2 pa tong mokong na FB na to. kailangan kong manalo...


combo starts...


Rollong Crush!


Cascade break!


Round Cut!


Sword Cannon!


"BWAHAHAHAHAHAHA! dafeng! WEAK! WEAK!" (kayang kaya ko naman pala to.... malakas din pala ako. hihihi)


(/bow) "thank you po kuah..." (nakaganti din ng pagaangas...)


"pedeng mag thank you, kung gs2 mo lang naman..... ^_^ "


Anong pinagsasabi netong FB na to?

--

(ito ang second meeting namen ng FB na si xcuteWIAx, hindi ko alam kung bakit trip na trip niya ako noon, oh talagang likas lang sa ugali niya ang mang asar. Nakakapag taka nga lang kung bakit siya nagbitiw ng salita na pedeng mag thank you.)

No comments:

Post a Comment