Monday, March 15, 2010

Two worlds existing as one: U5 Art of defense cooldown

Mas malakas pa sa tunog ng martilyong tumatama sa pako ang kaba sa dibdib ko nung nasa last boss na ako ng Resident Evil 2, habang ginagawa ang 2nd floor namin noon, ako naman ay naglalaro sa sala ng PS1. Hinding hindi ko makakalimutan ang "11 12 13 14 15...." na tila naging countdown ng buhay ni Leon Kennedy habang inaantay niya ang elevator para sa last escape route niya sa loob ng Umbrella Corporation. Literal na nagulat ako nung biglang lumabas yung last boss. Nag mutate pa sa harapan ko. WTF, 1 lang ang aid spray ko nung pag kakataong yun at 2 green herb. kakayanin kaya? nagpaikot ikot ako at inantay ang pagkakataon na hindi niya ako tamaan sa pag lundag niya. Nung dumating ang pagkakataong iyon, agad ko syang tinadtad ng magnum ko at nang maubos ang bala sabay palit ng shotgun. sabog. deds ang kalaban. natapos ko ang RE2 ng Rank B, hindi na masama para sa isang grade 4 student. feeling ko ang galing galing ko.


Imbes na Zenki at BT'x ang laman ng usapan sa room namen, RE2 ang topic, at syempre... ako ang bida. Pero inagaw kagad ng isa kong kaklase ang spotlight saken ng bigla siyang nagtanong....


"yung scenario nila natapos mo na? tinatapos ko ngayon yung scenario 2nd ni claire....."


natahimik nalang ako sa isang tabi...


"kahit gaano ka pa kagaling ngayong araw na to, bukas oh sa makalawa meron nang mas hihigit pa sayo... kaya huwag kang makuntento, always leave a BIG room for improvement" - yan ang natutunan ko sa kaklase ko na unang nag sabi ng scenario 1st and scenario 2nd ng RE2. kaya makalipas ang isang linggo at nagbibida paren siya sa klase tungkol sa scenario ng RE2, lumapit ako at nagtanong.


"Si Hunk at si Tofu natapos mo na?" at nalipat ulit sa akin ang spotlight...


kung tutuusin mas mababaw ang luha ko kay Jen, at sa lahat ng problema na pinagdaan niya hindi ko siya nakitang umiyak. Gulat, Takot at Sakit ang naramdaman ko nung nakita kong pinipigil niya ang pagpatak ng kanyang luha. ma-pride ang bestfriend ko. ayaw niyang nakikita siya ng tao na mahina siya. Para siyang isang Force Shielder na nawalan nalang bigla ng AOD dahil tapos na ang duration ng skill. kanina pa pala siya nagtatago sa malaki niyang panangga. at sa oras na nawala ang AOD, doon bumuhos ang luhang kanina pang nagkukubli.


"Gusto mo ng icecream? cookies n cream! treat ko..." yun nalang ang nasabi ko sa kanya, ang weak ko, kaya ko ba sya idefend sa mga mang ppk sa kanya? lowbie pa ko. at hindi pa dual trans. wala pa nga akong seismic wave eh. Isa lang ang maibibigay ko, ang maiparamdam na nasa tabi niya lang ako at hindi ko siya iiwan. Hindi ko man siya kayang idefend pede ko naman siyang i-party at doon pede na siyang mag cast ng SS para makatakbo kami sabay click sa return stone. ^_^ "bb po..."


"Salamat ah... Salamat sa pagsama saken... salamat sa pakikinig. salamat sa ice cream. sa bahay ka na matulog shot tayo! gusto ko makalimutan yung Joey na yun"


"naku hindi pede hindi ako nakapg paalam...." takte pano ba to? magpapalevel pa ko at magggrind.... kahit parang nag 1st move na si xcuteWIAx para sa pagbabati namin eh gs2 ko paren siyang gantihan.


"please? please....?" nagmamakaawang tugon ni Jen...


wtf! ang kyut niya! para siyang bata..... nanghihina ako, naningkit na naman ang mata niya, kawaiii!!!!!!!!!!! ^_^ naghang na naman ako... kaya ni-reset ko muna ang pc ko. kaso pag boot sa desktop nagulat nalang ako. andun na kami sa bahay nila.....


"Tay, Nay, Gudevening po...." magalang na bati ko sa mga magulang ni Jen,


"kumain na muna kayo...." tugon ng Tatay ni Jen


"tapos na po tay, salamat po...."


"tara na sa taas..." yaya ni Jen


may pwestuhan kami ng session sa bahay nila Jen, sa may bandang terrace. at dun kami naginom....


"tinext ko na nga pala si Tita, sabi ko d2 ka m22log. okay daw"


takte... naunahan ako ah, balak ko sana tatapusin ko lang ang inuman namin tapos uuwi paren ako para kahit papano makapagcabal pa ako.


"ah talaga? sge..." dismayadong tugon ko sa sinabi niya.


"salamat kambal ah... sobrang thankful talaga ako at nakilala kita"


"naman! kaw pa. malakas ka saken eh. oh sya sya! tama na ang drama! shot!"


at nagpakasaya kami at nagpakabasag.... nagkwentuhan, nagkantahan, nag sayawan.... napatigil lang kami pareho sa sayahan ng biglang narinig namin ang kantang bonnie and clyde nila beyonce at Jay-z. yun kasi ang theme song nila. May pagka "G" kasi ang boyfriend ni Jen na si Joey. i mean... ex-boyfriend.


mga limang segundo... sampu... hanggang sa umabot sa linya ng kantang....


"All I need in this life of Sin... is me and my boyfriend, me and my girlfriend..."


hindi na naman napigilan ni Jen ang patulo ng kanyang luha. Nawala na naman ang AOD niya at naalala si Joey,


"tahan na.... inom nalang tayo, lilipas din yan. malay mo, bukas oh sa makalawa, puntahan ka niya. makipag balikan, edi happy ka na ulit"


nagulat ako sa sagot niya...


"pangit ba ko?"


"takte! kung pangit ka hindi kita magiging crush.... diba unang kita palang naten sabi ko crush kita. totoo un" na stun ako sa tanong niya. Maganda si Jen, mukhang anime ang mukha. kawaiii!! tapos bigla siyang nagtanong ng ganon? naisip ko malaki ang naging epekto ng break up nila para magtanong siya ng ganon.


binalot na naman kami ng katahimikan.... sampu, dalawampu, talumpung segundo ng katahimikan.... biglang lumamig ang hangin, humahalik sa aming mga pisngi. saktong natapos na ang CD na pinapatugtug namin. malimit na kahol ng aso sa kapitbahay nalang ang naririnig namin... at mahihinang paghinga naming dalawa. mabilis ang tibok ng puso ko. ramdam kong ganon din ang sa kanya. lumipas ulit ang sampung segundo, dito niya binasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.


".....kung ganon, halikan mo 'ko"

--

(Isa ito sa mga update na maraming nabitin at lalong maraming tumangkilik sa story na 'to, maraming reply ang nagsasabing bitin at lalong dumami din ang naglabasan na dati ay silent reader lang. Nakakatuwang isipin na sa simpleng paraan ko ng pagsusulat ay marami ang nahumaling sa storya na 'to.)

No comments:

Post a Comment